Sunday, 2 June 2013

Makati Stock Exchange 2009

Ang lumang gusali ng Makati Stock Exchange sa Ayala Avenue corner Makati Avenue. Kuha ko ito noong 2009, nang mag-ikot ikot ako sa Lungsod ng Makati.

Napadaan lang kami kanina sa may Makati Avenue papuntang Glorietta nang makita ko ang gusaling ito. Naalala ko lang na mayroon nga pala akong naitatagong kuha nito noong naglakad lakad ako noong 2009 sa Makati kasama ang aking ina. Noong mga panahon na iyon na naghahanap ako ng boarding house na maaaring tuluyan para malapit na ako sa aking trabaho.